May demolisyon nanaman sa Quezon City. At least when I heard about it this morning, all lanes of Commonwealth Avenue from after the Iglesia ni Kristo up to Fairview are closed because of the riot between the Old Balara residents and the demolition team. Squatter's area pala yun, owned by the Madrigals. Kung sana noon pa hindi na sila tumira doon, hindi sana sila paaalisin ngayon. At kung noon pa sana ay pinagbawalan na silang tumira doon, hindi na kailangan pang pahirapan ang pagpapaalis sa mga residente doon.
This brings me to my next point.
Kapag eleksyon bumibisita ang mga aspiring politicians sa squatters' areas pero not once may nagsabi na sisiguraduhin nila ang pananatili ng mga residente rito sa lugar nila. Boto lang naman ang gusto nila. Dapat kasi mabait sila dahil maraming taga-roon ang botante. Then, pag nakuha na ang boto at hindi na pwedeng tumakbo ulit, kung anu-ano nang programa ang ipatutupad na di nila kayang ipatupad dati dahil sa takot na mawalan ng suporta. A true leader makes unpopular decisions when it is for the good of the community. Unpopular because you can never please everybody. But when the community progresses, the people will thank you for it because in the end, everyone benefited and in a long-term duration.
Hay pulitika.
No comments:
Post a Comment